Kailan ka magigising O Luzviminda tanggapin ang totoo
Wag ka nang magbubulagan pa hindi na siya magbabago
Ginagawa ka nyang laruan pinapaikot ikot ang yong ulo
O Luzviminda gumising ka na wag mong sirain ang yong mundo
Gising na, gising na, gising na
“Luzviminda”
by: Freddie Aguilar
Ikaw ay nagtiwala buong puso sa kanyang mga pangako
Tamis ng kanyang dila pinakinggan akala mo ay totoo
Ang ginanti nya sa pag ibig ay pro pagbabalatkayo
O Luzviminda gumising ka na wag mong sirain ang yong mundo
Gising na, gising na, gising na.
Tumanaw ka sa paligid at maglinaw ang yong mga mata
Ngayon na ang tamang oras o Luzviminda wag ka nang maghintay pa
Ikilos mo ang yong mga kamay, ihakbang mo ang yong mga paa
O Luzviminda gumising ka na wag mong sirain ang yong mundo
Gising na, gising na, gising na.
O Gising na Luzviminda
Ikaw ay di nag iisa